Ito ang sinabi ni Monsignor Luis Montemayor, pinuno ng Asian Desk ng Vatican Secretariat of State sa kanyang pakikipag-usap kamakailan kay Tita de Villa, embahador ng Pilipinas sa Vatican.
Gayunman, sinabi ng sugo ng Vatican sa Pilipinas na si Archbishop Antonio Franco na kaisa ang pamahalaan ng Iglesia Katolika sa pagsusulong ng Catholic Bishops Conference tungo sa pagkakaroon ng moral at spiritual values lalu na sa mga umuugit sa pamahalaan.
Pero nangangamba umano ang Vatican sa umiinit na partisipasyon ng simbahan sa mga kilos-protesta upang pababain sa tungkulin si Presidente Estrada.
Naniniwala ang Vatican na ito ay maglalagay sa mapanganib na sitwasyon sa bansa. "Mapanganib na lumahok ang simbahan sa ano mang destabilization move dahil itoy walang garantiyang hindi magbubunga ng karahasan," ani Montemayor kay ambassador de Villa. (Ulat ni Jhay Mejias)