^

Bansa

Bro. Mike kinatigan ng Vatican sa pagkampi kay Erap

-
Inihayag ng Vatican, ang sentro ng relihiyong Roman Catholic na walang ginagawang paglabag ang servant-leader ng El Shaddai Catholic Charismatic na si Bro. Mike Velarde sa patuloy na pagsuporta niya at ng kanyang grupo kay Pangulong Estrada.

Ito ang sinabi ni Monsignor Luis Montemayor, pinuno ng Asian Desk ng Vatican Secretariat of State sa kanyang pakikipag-usap kamakailan kay Tita de Villa, embahador ng Pilipinas sa Vatican.

Gayunman, sinabi ng sugo ng Vatican sa Pilipinas na si Archbishop Antonio Franco na kaisa ang pamahalaan ng Iglesia Katolika sa pagsusulong ng Catholic Bishops Conference tungo sa pagkakaroon ng moral at spiritual values lalu na sa mga umuugit sa pamahalaan.

Pero nangangamba umano ang Vatican sa umiinit na partisipasyon ng simbahan sa mga kilos-protesta upang pababain sa tungkulin si Presidente Estrada.

Naniniwala ang Vatican na ito ay maglalagay sa mapanganib na sitwasyon sa bansa. "Mapanganib na lumahok ang simbahan sa ano mang destabilization move dahil ito’y walang garantiyang hindi magbubunga ng karahasan," ani Montemayor kay ambassador de Villa. (Ulat ni Jhay Mejias)

ARCHBISHOP ANTONIO FRANCO

ASIAN DESK

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

EL SHADDAI CATHOLIC CHARISMATIC

IGLESIA KATOLIKA

JHAY MEJIAS

MIKE VELARDE

MONSIGNOR LUIS MONTEMAYOR

PANGULONG ESTRADA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with