^

Bansa

'Dichavez fall guy' - Prosecutors

-
Tinanggap kahapon ng Senado bilang impeachment court ang isang sulat ng isang kabigan ni Pangulong Joseph Estrada na si Jaime Dichaves na nagsasabing ito ang may-ari ng isang account sa Equitable-PCI Bank-Binondo branch at nakapangalan kay Jose Valhalla/Velarde. Sa naturang account sinasabing nanggaling ang perang ipinangpagawa sa "Boracay mansion" sa Quezon city na tinirhan ng isa sa mga kalaguyo ni Estrada.

Pero sinabi ng prosecution na fall guy lang si Dichavez. Sinabi ni Prosecutor Joker Arroyo na hindi dapat pansinin ang naturang liham at, sa halip, unahin ang pagbubukas ng selyadong envelope na naglalaman ng rekord ng account ni Valhalla sa naturang banko. Naunang iginigiit ng tagausig na iisa sina Valhalla at Estrada batay sa pirma sa tsekeng ginamit sa pagbili sa mansion at sa pirma ng Pangulo sa P500 bill.

Sinabi rin ni Davide na hindi rin maaaring gamitin bilang ebidensya ang naturang sulat.

Ipinagpaliban din ng impeachment court ang pagbubukas ng envelope para bigyan ng pagkakataon hanggang ngayong Martes ang mga senador na juror na pag-aralan ang kautusan ni presiding officer Chief Justice Hilario Davide noong Biyernes na nagpapahintulot sa pagbubukas ng rekord ni Valhalla.

Nagpahayag naman ng pangamba ang mga anti-Estrada group na baka magkaroon ng switching o mapalitan ang envelope kung maaantala ang pagbubukas ng naturang rekord.

Sinabi ni Senador Rene Cayetano na, kung wala nang kokontra, maaaring mabuksan ang envelop sa Huwebes.

Ipinasya rin ng korte na magpahinga sa Disyembre 23, 2000 at ipagpatuloy ang paglilitis sa kasong impeachment ng Pangulo sa Enero 2, 2001 simula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Humarap din sa paglilitis kahapon ang broadcaster na si Jay Sonza na nagsabing inamin sa kanya ng Pangulo na natanggap ng Erap Muslim Youth Foundation ang P200 milyong galing kay Ilocos Sur Governor Luis Singson.

Tumestigo rin ang vice president ng Equitable Bank na si Annie Ngo kaugnay ng P1 milyon hanggang P17 milyong inilagak ni Yolanda Ricaforte mula Setyembre 1999 hanggang Enero 2000 sa account ng nabanggit na foundation sa naturang banko.

Inilahad din ni Ngo ang pagbubukas ni Ricaforte ng savings at current account sa iba’t ibang sangay ng Equitable Bank at maging ang sa mga withdrawal nito. Si Ricaforte ang sinasabi ni Singson na auditor umano ni Estrada sa mga koleksyon sa jueteng.

Pinatunayan din ni Ngo ang unang pahayag ng testigong si Menchu Itchon na pag-aari ni Ricaforte ang cellphone number na 0918-9021847. Isa si Itchon sa accountant ni Ricaforte.

Nabatid na inilagay ni Ricaforte ang numero ng kanyang cellphone sa kanyang aplikasyon sa naturang banko. (Doris Franche at Rose Tamayo)

ANNIE NGO

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DORIS FRANCHE

ENERO

EQUITABLE BANK

PANGULO

RICAFORTE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with