^

Bansa

P100-M plunder laban kay Chavit isinampa

-
Mukhang sinisimulan na ang panggigipit kay Ilocos Sur Governor Luis Singson na isang pangunahing testigo sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Isinumite na kahapon ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang kasong plunder laban kay Singson at iba pang lokal na opisyal ng Ilocos Sur dahil sa umano’y pagsasabwatan sa iligal na P100 milyong cash advance.

Bukod kay Singson, bukod sa kinasuhan ng DOJ sina Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor Savellano, provincial accountant Carolyn Pilar, treasurer Antonio Gundran, at budget officer Erlita Arce.

Sinabi ng NBI na kinuha nina ni Singson noong Disyembre 29, 1999 ang naturang halaga para ilaan sa iba’t ibang uri ng proyekto sa lalawigan pero hindi nagsumite ng report sa Commission on Audit ang gobernador.

Nauna rito, isinumite ng NBI sa Ombudsman ang isa pang kasong plunder laban kay Singson.

Sinasabi ng kampo ni Singson na malaki ang posibilidad na naimpluwensiyahan ng Malacañang ang desisyon ng DOJ.

Kasabay nito, isinampa rin laban kay Singson ang kasong malversation of public funds dahil sa iligal na pagpapalabas ng P20,000 pondo ng bayan at paggamit nito sa pagbili ng iba’t ibang kagamitan sa produksyon ng tabako. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ANTONIO GUNDRAN

CAROLYN PILAR

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERLITA ARCE

GRACE AMARGO

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS SINGSON

ILOCOS SUR VICE GOVERNOR DEOGRACIAS VICTOR SAVELLANO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with