^

Bansa

Mahilig sa may letter 'Z'

-
Madaling makaakit ang sopistikadang kagandahan ni Joy Melendrez. Nakita siya ni Erap sa panahong ang kanyang kagandahan ay sumisibol at parang bulaklak na inaaligiran na ng mga bubuyog. Bata at sariwa si Joy. Humahalimuyak ang bango. Marami umano ang nangahas na makalapit sa kagandahan ni Joy subalit mas mabilis umano si Erap. Kagaya ng pagbihag ni Erap sa puso ng masa, walang anuman din umano nitong nahipo ang puso ng magandang si Joy. Ang kasunod ng pagkikilala ay ang romansa na nagbunga ng isang anak na lalaki. Para namang pinagtiyap ng pagkakataon ang anak nitong lalaki na pinangalanang Jose ay ipinanganak sa mismong kaarawan ni Erap. April 19, 1996 umano ito ipinanganak sa United States. Mahal na mahal umano ni Erap ang anak kay Joy. Guwapo ang bata at hawig kay Erap. Isang pagpapatunay na maganda ang kumbinasyon nila ni Joy.

Naging maluho umano si Joy nang magkaroon ng relasyon kay Erap. Bagay na hindi naman umano matanggihan ni Erap ang bawat kapritso. Mabait nga si Erap at gagawin ang lahat para sa kanyang "mahal" o malapit sa puso. Gaya ni Laarni Enriquez, na napabalitang binigyan umano ni Erap ng mansion, si Joy man ay mayroon din.

Sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism, bago mag-election noong 1998 ay lumipat ng bahay si Joy mula sa Alabang at nanirahan na sa 73 Swallow Drive, Greenmeadows, Quezon City. Ang lote ay may sukat umanong 829 square meters at ang nakatayong bahay ay may dalawang palapag. Nagkakahalaga umano ang property ng P38 million. Sinabi ng mga residente sa lugar na iyon na nakikita nilang pumupunta roon si Erap occasionaly. Ginagawa umano ang pagpunta ni Erap doon kung gabi. Ang property gayunman ay hindi nakalagay sa pangalan ni Melendrez o kaya’y ni Erap.

Sa mga pakikipagrelasyon ni Erap ay para bang may gusto siyang iwanang alaala na mahirap malimutan ninuman. Mayroon siyang espesyal na paraan para maging memorable ang kanyang pakikipagrelasyon sa napusuan. Kapuna-puna na ang ilan sa mga naugnay sa kanyang babae ay may apelyidong nagtatapos sa "Z". Gaya nina Guia Gomez, Laarni Enriquez, Rowena Lopez at Joy Melendrez. At sa mga babaing ito na nagtatapos sa "Z" ang apelyido ay mapupunang masyado siyang naka-attached. Samantalang sa iba pa ay hindi naging matunog ang kanyang pagkahumaling. Isang halimbawa rito ay ang pagtanggi niya kay Josephine Rose "JR" Ejercito na ang ina naman ay si Rose Dungca. Ewan kung nagkakataon lamang ang pagkakaugnay niya sa mga babaing ang apelyido ay nagtatapos sa "Z". (Ulat ni Ronnie M. Halos)

vuukle comment

ERAP

GAYA

GUIA GOMEZ

JOY

JOY MELENDREZ

LAARNI ENRIQUEZ

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with