Ebidensya balak daw lutuin
December 13, 2000 | 12:00am
Isang miyembro ng prosecution panel na si Congressman Oscar Moreno ang nagpahayag ng pangamba na posibleng lutuin o gawan ng cover-up ang mga ebidensyang inihaharap sa mga kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada.
Inihayag ni Moreno ang kanilang pangamba dahil sa pasabi ng branch manager ng Equitable Bank-PCI na hindi ito makakadalo sa paglilitis at sa pagtanggi ng bangko na ipakita ang rekord ng pinagdepositohan ng anim na cashier’s check na nagmula sa umano’y jueteng auditor na si Yolanda Ricaforte at ipina-deliver ni Ilocos Sur Governor Luis Singson.
Pinuna ni Moreno na ipinakikita ng naturang bangko na meron itong pinangangalagaan. Posible umano itong kasuhan ng obstruction of justice.
Sa pagpapatuloy ng paglilitis kahapon ng Senado sa impeachment, humarap sina Philippine Clearing House Corporation President Francisco Yap at ang mamamahayag na si Miriam Macaraig ng Channel News Asia.
Sinabi ni Yap na extraordinary ang anim na tsekeng binabanggit ng isang testigong si Emma Lim pero idiniin niya na nakita lang niya ang mga ito nang padalhan siya ng subpoena at hingan ng microfilm nito.
Kagulat-gulat anya ang halaga ng mga tseke na halos may kabuuang halagang P200 milyon.
Nagbigay din ng testimonya si Macaraig hinggil sa pulong-balitaan ng Pangulo na dinaluhan niya at ng ibang miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines.
Sa naturang pulong-balitaan, inamin ni Estrada na tinangka siyang suhulan ni Singson ng P200 milyon pero sinabi niya na ang abogado niyang si Atty. Edward Serapio ang tumanggap nito. Bunga anya ito ng nais ng gobernador na magpalakas sa kanya.
Lumilitaw din sa pulong-balitaan na nakipaglaro si Estrada ng mahjong kay Singson at nanalo ito ng P25 milyon at P40 milyon.
Inamin naman ni Macaraig na nagulat na lamang siya nang bigla siyang tawagin sa witness stand. Aniya, nagkokober lamang siya ng impeachment trial at hindi niya alam kung ang kanyang mga sagot ay pabor o hindi sa Pangulo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended