"Parang hindi tinatangkang kontakin ang mga miyembro ng pamilya. May mga tawag pero wala silang impormasyon hinggil sa kanyang pagkawala," sabi ng isang kaibigan ni Dacer.
Umaasa silang buhay pa ang 66-anyos na PR man kaya nakikiusap sila sa mga kumidnap sa kanya na palayain na ang biktima makaraang makuha nila ang mga dokumentong may kinalaman sa impeachment trial ng Pangulo at ang iba pang kaukulang impormasyon. (Ulat ni Christina Mendez)