Kasabay nito, hinikayat naman ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ng oposisyong Lakas-NUCD ang pamahalaan na imbestigahan ang isang ulat ng German magazine na Der Spiegel na nakinabang umano sina Estrada at Flagship Projects Secretary Roberto Aventajado ng 40 porsiyento mula sa milyung-dolyar na ibinayad sa bandidong Abu Sayyaf bilang ransom sa pagpapalaya sa ilan nitong dayuhang bihag may ilang buwan na ang nakakaraan.
Sinabi naman ng Pangulo na, habang umuusad ang kaso niyang impeachment sa Senado, makakabuting itigil na ang mga pagkilos na humahati sa sambayanan.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi na dapat ipilit ng oposisyon ang pagbibitiw niya sa puwesto dahil dapat nang sundin ang impeachment proceeding na siyang prosesong hinihingi ng Konstitusyon. Pero sinabi ni Ramos sa isang hiwalay na panayam na dapat siyasatin ang ulat ng Der Spiegel dahil konserbatibo at maingat ang mga ahensyang tagapagpatupad ng batas ng Europe lalo na ng Germany kaya nakapalubha nang seryoso kung ito ang panggagalingan ng impormasyon.
Iniulat umano ng German secret police na namorsiyento sina Estrada at Aventajado ng 40 porsiyento, ayon sa pagkakasunod, sa $20 milyong ransom na ibinayad para sa pagpapalaya sa ilan sa mga dayuhang kinidnap ng Abu Sayyaf. (Ulat ni Ely Saludar)