Namamatay sa construction dumarami
December 10, 2000 | 12:00am
Patuloy na dumarami ang mga manggagawang namamatay sa mga construction site o ipinapatayong mga gusali sa bansa, ayon kay Bohol Congressman Ernesto Herrera.
Hinikayat ni Herrera ang construction sector na gumawa ng paraan para mapigilan ang mga aksidente sa construction site at ipatupad nang mahigpit ang mga rekisitos sa ligtas na pagtatrabaho.
Sinabi ng mambabatas na, batay sa pag-aaral ng National Occupational Health and Safety Office, nagkakaroon ng maraming aksidente sa mga constuction site dahil sa mga depektibong disenyo ng mga itinatayong gusali at mapanganib na mga shoring o scaffolding.
Ginawa ni Herrera ang pahayag dahil sa pagkasawi ng tatlong trabahador sa construction site sa dalawang magkakahiwalay na insidente nitong nagdaang linggo.
Isang 30-anyos na obrero ang nasawi samantalang dalawa nitong kasamahan ang nasugatan nang bumagsak ang tower crane sa itinatayong mall sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Pasay City.
Sa Maynila, dalawang pintor ang namatay nang mahulog mula sa ikapitong palapag ng isang ginagawang gusali sa Real St., Intramuros, Manila. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended