Sa kanyang ginawang talumpati sa daang high school seniors na nagtipon sa University of Nueva Ceceres sa Naga City para sa paksang career forum, binanggit ni Madrigal na 60% ng mga nagsipagtapos sa sekondarya ang nakatuloy sa college habang ang natitira ay drop-out sa ibat ibang kadahilanan, kabilang na rito ang kahirapan.
Gayunman, pinayuhan ni Madrigal ang mga estudyante na wag hayaang ang kahirapan ang magsilbing hadlang. "Ang tagumpay ay nasa isip. Maniwala sa inyong mga sarili," ani Madrigal.
Para sa mga nakatuloy sa kolehiyo, sinabi ni Madrigal na dapat nilang sundin ang karera na inaakala nilang mainam, habang sa mga hindi ay subukin ang technical o vocational courses o magtrabaho upang maging small enterpreneurs.
Si Madrigal na kilalang philantrophist ay tagasulong ng edukasyon at iba pang karapatan ng mga bata at nagtataguyod ng kapakanan ng mga ito. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar)