Dahil sa hindi kuntento sa ginagawang paghahanap ng mga awtoridad, humiling ng gabay sa Cardinal sa bahay nito sa Villa San Miguel sa Mandaluyong City ang magkakapatid na sina Sabina Reyes, Ampy Henson, Karina at Emily Dacer.
Sa closed-door meeting ng magkakapatid, sinabi ng mga ito na ipinayo sa kanila ni Sin na huwag mawalan ng pag-asa ang mga magkakapatid dahil sa nararamdaman umano nito na buhay pa ang nawawalang ama nito. Pagdarasal din ang pangunahin nitong ipinayo sa kanila.
Ayon pa sa magkakapatid, tinanggihan na umano nila ang imbitasyon at tulong na iniaalok ng Malacañang dahil sa wala umano silang tiwala rito. Ayon pa sa kanila, lalapit lamang umano sila sa mga taong alam nilang makakatulong sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)