Ex-Gov. Remulla sisiyasatin sa kaso ni Dacer
December 6, 2000 | 12:00am
Nakatakdang ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Cavite Governor Juanito Jhonny Remulla upang sumailalim sa pagtatanong kung may kinalaman ito sa naganap na pagdukot sa nawawala pang PR man na si Salvador Bubby Dacer at driver nitong si Manuel Corbito noong Nobyembre 24 sa boundary ng Makati City at Manila.
Ang summon na ipinadala ng NBI kay Remulla ay bunsod sa pagkakahawig ng cartographic sketch na ipinalabas ng NBI noong nakalipas na linggo sa isang retiradong Colonel na sinasabing naging bodyguard at supporter ni Remulla.
Ayon sa isang opisyal ng NBI na ayaw magpabanggit ng pangalan, bagaman sasailalim sa pagtatanong ang dating Gobernador ay hindi rin aniya nangangahulugan na siya ay suspek sa pagkawala nina Dacer at Corbito.
Ang pag-imbita kay Remulla ay isang bahagi lamang ng malawakang pagsisiyasat ng NBI sa nasabing insidente at hindi namin sinasabi na pinagbibintangan namin siya na nasa likod ng pagdukot kay Dacer at Corbito, anang opisyal.
Kasalukuyang tinitingnan din ng NBI ang nakalap nilang impormasyon na noong nakalipas na 1998 election ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Dacer at Remulla dahil sa mainit na pulitika.
Sinasabing tumayo ring PR man ni Cavite Governor Ramon Bong Revilla si Dacer noong panahon na kumakandidato pa lamang siya habang si Remulla ay sinuportahan naman ang nakatunggali ni Revilla na si Renato Dragon dahil ang runningmate nito ay ang kanyang (Remulla) anak na si Jhonvic. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest