NAMFREL di na raw kailangan sa 2001 election
Mariing inihayag kahapon ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Luzviminda Tancangco na hindi na kakailanganin ang operation quick count ng National Movement for Free Elections sa halalan sa Mayo 14, 2001 dahil maipapatupad na rito ang Automated Counting and Consolidation Results System na isang paraan para mapabilis sa loob ng 24 oras ang paglabas ng resulta ng botohan at maiwasan ang dayaan na kalimitang nagaganap sa pagdadala ng mga urna sa mga presinto. (Ulat ni Jhay Mejias)