^

Bansa

Jinggoy lumipad sa Amerika

-
Pinahintulutan ng Senado ang anak ni Pangulong Joseph Estrada na si San Juan Mayor Jose "Jinggoy" Ejercito na makaalis patungo sa Estados Unidos ngayong Disyembre 5 dahil sa mahalaga niyang lakad doon na nauna nang itinakda.

Dahil dito, hindi makakaharap ang batang Ejercito sa unang araw ng paglilitis sa kasong impeachment laban sa kanyang ama sa Huwebes bagaman sinabi niya sa kanyang sulat kina Chief Justice Hilario Davide at sa mga senador na tumatayong hurado sa paglilitis na handa siyang humarap dito sa pagbabalik niya sa Pilipinas sa susunod na linggo. Pinayagan ng impeachment court ang kahilingan ng batang Estrada nang pumayag ang mga prosecutor na sa ibang petsa na ito paharapin sa paglilitis. (Ulat ni Doris Franche)

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DAHIL

DISYEMBRE

DORIS FRANCHE

EJERCITO

ESTADOS UNIDOS

HUWEBES

JINGGOY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PILIPINAS

SAN JUAN MAYOR JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with