^

Bansa

Mayor ng Bulacan, bodyguard, driver todas sa ambush

-
Isang alkalde na miyembro ng oposisyong Lakas-NUCD at dalawa niyang kasama ang pinagbabaril at napatay sa pananambang ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Baybay, Angat, Bulacan kahapon ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Esteban Paulino, Mayor ng Doña Remedios Trinidad ng naturang lalawigan; bodyguard niyang si Police Officer 1 Teofilo Abellaloza; at driver na hindi pa mabatid ang pangalan.

Sinasabi sa ulat na tinanggap ng Camp Crame na binabagtas ng kotseng Nissan Safari na kinalululanan ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa bisidad ng Barangay Baybay sa Angat nang bigla silang paulanan ng mga bala ng mga suspek na lulan naman ng isang pampasaherong jeepney.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng krimen ang mga biktima dahil sa mga tama ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Masusing sinisiyasat ng pulisya ang posibilidad na mga kalaban ni Paulino sa pulitika ang may kagagawan ng pananambang bagaman hinihinala rin nilang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga suspek.

Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na si Sr. Supt. Nicanor Bartolome na madalas na may namamataang mga rebeldeng NPA na kumikilos sa maraming bayan ng Bulacan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANGAT

BARANGAY BAYBAY

BULACAN

CAMP CRAME

ESTEBAN PAULINO

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with