Kaklase ni Lacson sa PMA di lahat boto kay Erap

Hindi lahat ng classmate ni Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson sa Class ’71 ng Philippine Military Academy ay sumusuporta sa paghadlang sa mga grupong nagnanais na patalsikin sa puwesto si Pangulong Joseph Estrada.

Isang opisyal na miyembro ng Class ’71 at tumangging magpabanggit ng pangalan ang nagsabing, bagaman matatag ang samahan ng kanilang grupo, nagkakahati-hati rin sila sa pananaw at opinyon hinggil sa kasong impeachment na kinakaharap ng Pangulo.

Sinabi ng opisyal na, sa kanilang klase, sina Lacson at Metro Manila Police Director C/Supt. Edgar Aglipay ang nakikita niyang solidong sumusuporta sa Pangulo. Ang iba naman ay nagpapakiramdaman kung ano ang magiging katayuan nila kapag naipursige ang kasong impeachment. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments