Pamangkin ni Judge Purisima gustong manumpa
December 3, 2000 | 12:00am
Humihiling ang pamangkin ni dating Supreme Court Justice Fidel Purisima sa mga retiradong hukom na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring 1999 Bar exam scandal na siya ay makapanumpa bilang bagong abogado matapos siyang makapasa sa bar exam.
Hinihiling din ni Mark Anthony Purisima, 32 sa komite na pinamumunuan nina dating hukom Ameurfina Melencio Herrera, Jose Feria at Camilo Quiason na siya ay imbestigahan upang lumabas ang katotohanan.
Sinabi pa nito na ang pinakamahalaga sa lahat ay malinis ang kanyang pangalan dahil ang Diyos umano ang kanyang saksi na wala siyang ginawang kalokohan habang dinadaraos ang bar exam.
Inamin nito na apat na beses na siyang kumuha ng bar exam at ang pagkapasa niya noong nakalipas na taon ay sariling pagsisikap at hindi humingi ng tulong lalo na sa kanyang tiyuhin. (Ulat ni Delon Porcalla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest