^

Bansa

Bong Pineda, ipapatawag ng Senado

-
Malamang na ipatawag ng Senado si Bong Pineda kung kinakailangan itong iharap sa impeachment court para magbigay ng linaw sa gagawing paglilitis laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, maaari nilang padalhan ng subpoena si Pineda kung kinakailangan dahil mayroon umanong nagsasangkot dito.

Subalit kinakailangan ang paghaharap ng motion upang maging legal ang lahat ng papeles na isusumite sa impeachment court.

Sa kasalukuyan lima pa lamang ang ipapatawag ng Senado na kinabibilangan nina San Juan Mayor Jinggoy Estrada, auditor Yolanda Ricaforte, Atty. Edward Serapio, Betty Bagsik at ang General Manager ng Philippine Clearing House.

Muling ipatatawag si Ilocos Sur Governor Luis ‘‘Chavit’’ Singson na siyang nagbulgar ng katiwalian ng Pangulo. (Ulat ni Doris Franche)

BETTY BAGSIK

BONG PINEDA

DORIS FRANCHE

EDWARD SERAPIO

GENERAL MANAGER

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE CLEARING HOUSE

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SENADO

SENATE PRESIDENT AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with