Cardinal Sin, magsisindi ng sulo sa simula ng trial
December 3, 2000 | 12:00am
Personal na dadalhin ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ang sinindihan nitong sulo sa Senado sa pagsisimula ng impeachment trial sa Disyembre 7.
Ang sulo na tinatawag na Tanglaw ng Katotohanan ay dadalhin ni Sin mula sa Malate Catholic Church Plaza patungong Senado matapos ang gagawing misa na Panalangin ng Bayan, Para sa Katotohanan na dadaluhan nina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Corazon Aquino at Vice President Gloria Macapagal Arroyo.
Magkakaroon ng Senate Vigil na tatawaging Bantay Senado Bantay Senador na ilulunsad din ng araw na pagsisimulan ang paglilitis dakong alas-2:00 ng hapon.
Ang Tanglaw ng Katotohanan ay ilalagay ni Sin sa Senate vigil area na hindi papatayin ang sindi nito hanggat hindi bumababa sa puwesto si Estrada.
Sasabayan din ng mga kilos protesta na pangungunahan ng Simbahang Katoliko sa 76 na lalawigan na nanawagan na dapat magbantay ang mamamayan sa pagsisimula ng paglilitis.
Isang programa rin ang gagawin na magsisimula sa alas-12:00 ng tanghali ng araw na sisimulan ang paglilitis kasunod nito ang araw-araw na Jericho March sa paglibot ng compound ng Senado na may dala ng kandila kasabay ang paghihip ng mga trumpeta.
May nakalaan din mga drop boxes sa harap ng Senado na bawat sulat ay dadalhin naman sa mga Senador ng mga kasali sa vigil na magsisilbing kartero. (Ulat nina Sandy Araneta/Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest