^

Bansa

2 chop-chop victims natagpuan ng Dacer probers

-
Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa pinaghiwa-hiwa ang katawan at walang ulo ang natagpuan kamakalawa ng umaga sa Nueva Vizcaya ng mga pulis na nagsisiyasat sa pagkawala ng public relations man na si Salvador "Buddy" Dacer at driver nitong si Manuel Corbito.

Gayunman, sinabi sa huling ulat ni Cagayan Valley Police Director C/Supt. Rowland Albano na natagpuan din kahapon ng umaga ang ulo ng mga biktima sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Nueva Ecija. Sinabi ng pulisya na ang isa sa mga biktima ay may edad na 25 anyos at supot samantalang ang isa pa ay may edad na mula 32 hanggang 35 anyos.

Tumanggi ang pamilya ni Dacer na magsalita o magbigay ng ibang detalye sa mga mamamahayag pero sinabi ng anak niyang si Ampy Henson na itinawag sa kanya ng NBI at PAOCF na negatibo sa pagsusuri sa fingerprint ang bangkay.

Hindi mabatid kung nakita na ng pamilyang Dacer ang mga natagpuang bangkay. Wala pang opisyal na ulat ang pulisya kung sina Dacer at Corbito nga o hindi ang nakuhang mga biktima.

Sinabi ni PO3 Gary Noel Pascua ng Nueva Vizcaya Police na nakuha ng lokal na pulisya ang mga bangkay sa pakikipagtulungan ng mga residente sa Barangay Baretbit, Bagabag sa naturang lalawigan bandang alas-7:30 ng umaga.

Ang unang bangkay na may kaputian at pinaghiwa-hiwa sa 15 piraso ay may taas na 5’3 hanggang 5’5, at may bigat na 60 hanggang 70 kilogram. Ang pangalawang bangkay na hinati sa 12 piraso halos kawangis ng una bagaman katamtaman ang kutis nito. Wala nang ibang palatandaang nakuha ang pulisya. Isang metal na posas na may marking na "PNP property" ang nakakabit sa kamay ng isa sa mga bangkay.

Ang mga pira-pirasong bangkay ay nakasilid sa limang dilaw at berdeng plastic garbage bag na itinapon at ikinalat ng mga hindi kilalang lalaki sa pagitan ng alas-8:00 at alas-9:00 ng gabi ng Huwebes sa gilid ng Magat River o ilalim ng San Lorenzo Ruiz Bridge sa naturang barangay.

Sinabi ni Pascua na ilang residente ang nagsabing, noong Huwebes ng gabi, napansin nila ang isang puting Toyota Revo at isang maroon na pick-up vehicle na nakaparada sa isang bahagi ng tulay. Kasunod nito, itinapon ng mga lalaking lulan ng mga sasakyan ang mga bag sa isang bahagi ng ilog.

Idinagdag ng pulisya na ang San Lorenzo Bridge ay nag-uugnay sa Manila at sa mga lalawigan sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sina Dacer at Corbito ay dinukot ng lima hanggang walong armadong lalaki sa kanto ng Zobel Roxas St. at Sergio Osmeña Avenue (dating South Superhighway) sa Maynila noong Nobyembre 24. Ang kotseng Toyota Revo ni Dacer ay itinapon sa isang bangin sa Maragondon, Cavite. Natagpuan ito ilang araw pagkaraang mawala siya. (Ulat nina Cristina Mendez at Rudy Andal)

AMPY HENSON

BANGKAY

DACER

NUEVA VIZCAYA

SINABI

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with