Cartographic sketch ng Dacer kidnaper inilabas
December 2, 2000 | 12:00am
Ipinalabas kahapon ng National Bureau of Investigation ang cartographic sketch ng isa sa mga suspek na dumukot kay public relations man Salvador "Bubby" Dacer sa Makati City noong Nobyembre 24.
Batay sa paglalarawan ng dalawang tindero ng tuwalya na nakakita umano sa pangyayari, ang suspek ay may taas na 53, may edad na mula 30 hanggang 35 anyos, moreno, mataas ang cheekbone at bahagyang kulot ang buhok.
Kasabay nito, sinabi ng anak ni Dacer na si Amy D. Henson na sinubukan nilang tawagan ang cellular phone ng kanyang ama at may sumagot na isang boses-babae.
Sinabi umano ng babae na huwag silang magmadali at nasa mabuting kalagayan ang biktima. Kasunod nito, biglang nawala ang boses ng babae. Natunton umano sa lugar na malapit sa Manila Hotel ang pinagmulan ng tinig. (Ulat nina Ellen Fernando at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended