^

Bansa

Erap nag-plead 'not guilty'

-
Nag-plead "not guilty si Pangulong Joseph Estrada sa kasong impeachment sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

Sinabi ng mga abogado ni Estrada na batay lang sa mga newspaper report ang karamihan ng mga akusasyon sa kanilang kliyente. Hiningi nila na ipasok sa rekord ng kaso ang "not guilty" plea ng Pangulo.

Ang paghahayag ng not guilty plea ay nakapaloob sa sagot ng Pangulo sa mga kasong bribery, corruption, betrayal of public trust at violation of constitution na inihain laban sa kanya. Didinggin ng Senado bilang impeachment court sa Lunes, Disyembre 4, ang limang motion na isinampa kahapon ng 11 kongresistang prosecutor.

Kabilang sa motion ang kahilingang ipatawag ang ilang testigo tulad nina San Juan Mayor Jinggoy Estrada, Presidential Adviser on Bicol Affairs Anton Prieto, jueteng auditor Yolanda Ricaforte, dating Police Chief Director General Roberto Lastimoso, Betty Bagsik, at Wilfredo Vergara na General Manager ng Philippine Clearing House.

Hinihiling din ng prosecution panel na magsagawa ng ocular inspection sa mga bahay ni Pangulong Joseph Estrada na tumutugma sa testimonya ni Ilocos Sur Gov. Luis Singson.

Kabilang sa ipapabisita ang bahay ng Pangulo sa Polk St., Greenhills, San Juan; sa Greenmeadows, Quezon City na tinitirhan umano ni Joy Melendrez na kabilang sa nakarelasyon ni Estrada; sa New Manila, Quezon City na tinatawag na Boracay mansion at ginagamit umano ng isa sa mga babae niya na si Laarni Enriquez; at ang sa San Juan pa na tinitirhan ng isa pa sa kalaguyo niya na si Guia Gomez.

Samantala, sinabi ng manager ng prosecution panel na si House minority leader Feliciano Belmonte na handa na ang kanilang grupo sa paglilitis kay Estrada.

Pinagtibay naman ng Senado ang resolution no. 32 na naglalaan ng P30 milyong pondo nito para sa paglilitis sa impeachment case.

Sa House of Representatives, sinabi ni Speaker Arnulfo Fuentebella na naipalabas na nila ang paunang P2 milyon para sa budget ng prosecution panel. Isusunod anya ang P3 milyon pa kapag nai-liquidate na ang naunang pondo. (Ulat nina Doris Franche at Marilou Rongalerios)

BETTY BAGSIK

BICOL AFFAIRS ANTON PRIETO

DORIS FRANCHE

FELICIANO BELMONTE

GENERAL MANAGER

GUIA GOMEZ

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with