RP consul kinasuhan
December 1, 2000 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng kasong kriminal ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang konsul ng Pilipinas sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darrusalem na si Reynaldo Martinez dahil sa umanoy sexual harassment at oral defamation na ginawa niya sa isang overseas Filipino worker na si Ermenilda E. Bautista. Sinasabi sa reklamo na, nang tumakas si Bautista sa kanyang abusadong amo sa Brunei, nagpasaklolo siya sa konsulado ng Pilipinas pero, bago siya tulungan, hiningi sa kanya umano ni Martinez na sumiping siya rito at masahihin niya ang katawan ng naturang opisyal. Sinabi pa ni Martinez na bibigyan niya ng sewing machine at trabaho si Bautista at pag-aaralin niya ang anak nito pero tinanggihan ng biktima ang mga alok. Nang muling magkita ang dalawa, kinastigo umano ni Martinez si Bautista at ininsulto at pinagsabihan ng masasakit na salita ang biktima sa harap ng ibang mga opisyal ng embahada. (Ulat ni Grace R. Amargo)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended