Inamin kahapon ng bagong tagapangulo ng suffrage and electoral reform committee ng House of Representatives na si Camarines Norte Rep. Roy Padilla na sisimulan na ng kanyang komite ang pagdinig sa resolusyong humihiling sa pagbalangkas ng isang batas na magpapatawag ng snap presidential elections.
Itinakda ng komite sa Lunes ang unang pagdinig sa resolusyong inihain ni Cagayan Rep. Jack Enrile.
Ang ama ng kongresista na si Senador Juan Ponce Enrile ay naunang naghain ng panukalang-batas para sa naturang halalan. (Ulat ni Marilou Rongalerios)