Snap election niluluto
December 1, 2000 | 12:00am
Pinag-aaralan na ng Kongreso kung paano makakapagpatawag ng snap election bagaman hindi pa tiyak ang kahihinatnan ng magkahiwalay na impeachment case laban kina President Joseph Estrada at Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.
Inamin kahapon ng bagong tagapangulo ng suffrage and electoral reform committee ng House of Representatives na si Camarines Norte Rep. Roy Padilla na sisimulan na ng kanyang komite ang pagdinig sa resolusyong humihiling sa pagbalangkas ng isang batas na magpapatawag ng snap presidential elections.
Itinakda ng komite sa Lunes ang unang pagdinig sa resolusyong inihain ni Cagayan Rep. Jack Enrile.
Ang ama ng kongresista na si Senador Juan Ponce Enrile ay naunang naghain ng panukalang-batas para sa naturang halalan. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest