^

Bansa

Dacer dinukot ng pulis?

-
Isa sa anggulong tinitingnan ngayon ng mga awtoridad ang posibilidad na may mga kasabwat na pulis ang sinumang may kinalaman sa pagkawala ng public relations man na si Salvador "Bubby" Dacer.

Lumitaw ang naturang anggulo sa bagong impormasyong nakalap ng National Capital Regional Police Office mula sa isang saksi na taga-Makati City bagaman tumanggi itong magpabanggit ng pangalan.

Sinabi ni NCRPO Director General Edgardo Aglipay na masusi nilang iniimbestigahan ang ulat na may kasamang pulis si Dacer nang mawala ito.

Nabatid din na dalawang lalaking kapwa tindero na tumatayong saksi sa pagkawala ni Dacer ang nagbigay kahapon sa National Bureau of Investigation ng cartographic sketch ng mga suspek.

Sinabi ni NBI-National Capital Region Director Samuel Ong na kasalukuyang nasa pangangalaga nila ang dalawang testigo na nagbigay ng ibang detalye sa pagkawala ni Dacer mula noong Biyernes.

Sinabi ni Ong na nagpakalat sila ng mga tauhan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at ibang karatig-lugar gaya sa Maragondon, Cavite na kinatagpuan kamakalawa sa sasakyan ng biktima.

Sinasabi ng mga saksi na isa sa mga suspek na lulan ng tatlong sasakyan ay naka-barong na ang pang-loob na damit ay uniporme ng pulis at may nakasukbit na baril sa beywang.

Sinabi ni Ong na naganap ang pagdukot kay Dacer bandang alas-11:00 ng umaga sa panulukan ng Zobel Roxas St. at Southsuperhiway sa Makati City.

Itinaon umano ng mga suspek na naka-pula ang traffic light sa naturang lugar bago bumaba ang tatlo sa kanila at nagtuloy sa Toyota Revo ni Dacer.

Sapilitang pinababa si Dacer at ang driver nitong si Manuel Corvito bago isinakay sa isang puting van at lumiko patungo sa katimugan.

Kasalukuyan na ring sinusuri ng pulisya ang mga fingerprint na nakuha sa kotse ni Dacer.

Hinihinala naman ng ilang opisyal ng pulisya na ginamit lang ng mga suspek ang uniporme ng pulis para malito ang mga awtoridad sa pagsisiyasat sa krimen. (Ulat nina Mario Basco, Lordeth Bonilla, Joy Cantos, at Ellen Fernando)

DACER

DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

ELLEN FERNANDO

JOY CANTOS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MANUEL CORVITO

MARIO BASCO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with