Disyembre 1, di holiday

Pista opisyal ngayong Nobyembre 30 bilang paggunita sa kapanganakan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio pero nilinaw kahapon ni Press Secretary Ricardo Puno na hindi holiday ang Disyembre 1. Ginawa ni Puno ang paglilinaw dahil sa argumento ng ilang sektor na naiipit sa Sabado at Bonifacio Day ang Disyembre 1 kaya dapat din itong ideklarang holiday. Pinuna ni Puno na napakarami nang pista opisyal sa bansa na lubhang nakakaapekto sa mga mag-aaral at manggagawa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments