Belgian hinging i-deport
November 28, 2000 | 12:00am
Isang Atty. Antonio Bautista ang humiling kahapon sa pamahalaan na ideport ang Belgian resident engineer ng Tractebel Development-CHEMA Search Architecture ng Europe na si Luc Parmentier dahil sa pagbabansag nito sa mga Pilipino na mga "unggoy."
Sinabi ni Bautista na ang isang katulad ni Parmentier ay hindi dapat bigyan ng magandang trato sa Pilipinas dahil mababa ang pagkilala nito sa mga Pilipino na laging iniinsulto at nilalait ng naturang dayuhan.
Ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Parmentier ay sangkot sa mga construction sa La Union Provincial Hospital sa Barangay Nazareno, Agoo, La Union.
Sinabi ni Bautista na tinawag ni Parmentier ng unggoy ang mga Pilipino nang, noong Marso 10, 2000, may kumolekta sa naturang dayuhan ng halagang P5,000 para sa pagtanggal at paglipat ng dalawang punong mangga mula sa lupang pagtatayuan ng ospital. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest