NBI raid sa bahay ng staff ni GMA lehitimo raw
November 28, 2000 | 12:00am
Nilinaw kahapon ng National Bureau of Investigation na lehitimo ang pagsalakay ng mga tauhan nito sa bahay sa Quezon City ng Chief of Staff ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na si Atty. Renato Corona noong Sabado.
Sinabi ni NBI Deputy Director Carlos Caabay na bahagi lang ng background investigation (BI) ang pagpunta ng kanilang mga tauhan sa bahay ni Corona.
Ginawa ni Caabay ang paglilinaw dahil sa akusasyon ni Arroyo na nagsasagawa ng harassment ang pamahalaan sa oposisyon.
Nabatid kay Caabay na si Corona ay nag-apply sa isang position sa Judicial Bar Council of the Philippines noong nakaraang taon at, kaugnay nito, inutos ng konseho sa NBI na magsagawa ng BI sa naturang aplikante. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest