Sinabi ng NMIC na dapat higpitang mabuti ng BOC ang pagbabantay sa lahat ng entry point sa bansa para hindi makapasok ang naturang uri ng mga karne lalo ngayong nalalapit ang kapaskuhan.
Nagtalaga na rin ng mga tauhan ang NMIC sa mga paliparan at daungan para tumulong sa pagsubaybay sa posibleng pagpasok sa bansa ng naturang mga karne. Ang isang tao na nakakain ng karne ng baka na may mad cow disease ay nagiging parang lantang gulay, patuloy na nananakit ang katawan, at kinakain ng virus ang utak ng biktima na magiging dahilan ng pagkamatay nito.
Mas matindi umano ang mad cow disease kaysa sa Ebola virus na nakukuha sa unggoy at dumi ng daga na nasasama sa pagkain ng tao.
Ang isang tao na dinapuan ng Ebola virus ay nilalagnat, sumasakit ang tiyan at ibang bahagi ng katawan, nagsusuka, at dinudugo ang ilong at tenga.
Nanawagan ang NMIC sa mamimili na kilatising mabuti ang mga nabibiling karne at tignan kung sariwa at may tatak ng pagkakasuri ng naturang ahensya.
Naunang napaulat na lumaganap ang mad cow disease sa maraming baka sa Germany at France. Ipinahiwatig sa ulat ng Reuters na kilala ang virus sa tawag na bovine spongiform encephalopathy. (Ulat ni Angie Dela Cruz)