Pero hindi ibinebenta ang ticket at ibibigay lang ito sa mga may direktang kaugnayan sa bulwagan ng Senado at sa mga kinatawan ng ibat ibang grupong direktang nakikisangkot sa paglilitis. Sinabi ng kalihim ng Senado na si Lutgardo Barbo sa isang panayam na ipinasya ng kapulungan na, bukod sa mga senador at mamamahayag, 365 tao lang ang papayagang makapasok sa bulwagan ng Senado para maging maayos ang pagdinig.
Ipinaliwanag ni Barbo sa isang panayam na maliit ang session hall ng Senado kaya kailangang limitahan ang bilang ng mga tao na papasok dito. Para anya maging patas ang pamamahagi ng mga tiket, bawat senador ay bibigyan ng 10 upuan kabilang na ang para sa kanyang staff habang ang ibang upuan ay irereserba para sa mga tagausig na kongresista at sa mga kinatawan ng ibat ibang grupo sa bansa. (Ulat ni Perseus Echeminada)