^

Bansa

Libreng 365 ticket para sa impeachment trial

-
Merong nakalaang 365 ticket para sa sinumang gustong makapanood nang personal sa paglilitis sa impeachment case laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Pero hindi ibinebenta ang ticket at ibibigay lang ito sa mga may direktang kaugnayan sa bulwagan ng Senado at sa mga kinatawan ng iba’t ibang grupong direktang nakikisangkot sa paglilitis. Sinabi ng kalihim ng Senado na si Lutgardo Barbo sa isang panayam na ipinasya ng kapulungan na, bukod sa mga senador at mamamahayag, 365 tao lang ang papayagang makapasok sa bulwagan ng Senado para maging maayos ang pagdinig.

Ipinaliwanag ni Barbo sa isang panayam na maliit ang session hall ng Senado kaya kailangang limitahan ang bilang ng mga tao na papasok dito. Para anya maging patas ang pamamahagi ng mga tiket, bawat senador ay bibigyan ng 10 upuan kabilang na ang para sa kanyang staff habang ang ibang upuan ay irereserba para sa mga tagausig na kongresista at sa mga kinatawan ng iba’t ibang grupo sa bansa. (Ulat ni Perseus Echeminada)

BARBO

IPINALIWANAG

LUTGARDO BARBO

MERONG

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PERO

PERSEUS ECHEMINADA

SENADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with