Opisina ni Cudal ikinandado ni Lacson
November 26, 2000 | 12:00am
Ikinandado kahapon ni Philippine National Police Chief Director-General Panfilo Lacson ang tanggapan ni Police Community Relations Service Director C/Supt. Steve Cudal na tinanggal niya sa puwesto kamakalawa dahil sa umanoy pahayag nito sa isang television station na nagkakaroon ng demoralisasyon sa hanay ng pulisya.
Sinabi ni Lacson na hindi lang ang pagkakaroon ni Cudal ng kasong graft sa Sandiganbayan ang dahilan ng pagtanggal niya rito kundi pati ang ginawa nitong pahayag sa telebisyon.
Nagbanta naman si Cudal na irereklamo niya sa korte ang pagtanggal sa kanya ni Lacson. Winika naman ng huli na nakahanda siyang harapin ang demanda ni Cudal.
Sa kaugnay na ulat, pinabulaanan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na maraming sundalo ang demoralisado na gaya ng ipinamamalita ng ilang retiradong heneral ng AFP. Iginiit niya na mataas ang moral ng mga tauhan ng militar dahil tanggap ng mamamayan ang ginagawa nila lalo na sa Mindanao. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest