Humagulgol si Maria Remedios Coady matapos ibaba ng appeals court ng Hong Kong ang hatol sa kanya. "Kung gusto nilang turukan ako ng lethal injection, gugustuhin ko. Hayaan ninyo na akong mamatay. Hayaan na ninyo akong mamatay. Okey lang," sabi ni Coady, 44, na nagmula sa Pilipinas.
Sinasabi pa sa ulat ng South China Morning Post na nakulong si Coady dahil sa pagpatay sa biktimang si Gregoire Weil noong Disyembre 1997. Nabatid na unang nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Coady dahil sa kasong murder pero, sa buong panahon ng orihinal na paglilitis, pinanindigan niyang inosente siya. Pero, nitong unang bahagi ng taong ito, pinawalambisa ang sentensya.
Sa pagpapataw ng 10 taong pagkabilanggo, sinabi ni Justice Brian Keith na matagal nang itinatanggi ni Coady ang krimen hanggang sa aminin nito kamakailan na namatay sa mga kamay nito ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)