^

Bansa

Pinay nagpapatibay sa Hong Kong

-
Isang dating socialite at modelo ang nagpahayag na mas nais niyang mamatay sa pamamagitan ng lethal injection makaraang masentensyahan siya ng isang korte ng parusang 10 taong pagkabilanggo dahil sa pananaksak niya sa kanyang Swiss lover, ayon sa ulat kahapon.

Humagulgol si Maria Remedios Coady matapos ibaba ng appeals court ng Hong Kong ang hatol sa kanya. "Kung gusto nilang turukan ako ng lethal injection, gugustuhin ko. Hayaan ninyo na akong mamatay. Hayaan na ninyo akong mamatay. Okey lang," sabi ni Coady, 44, na nagmula sa Pilipinas.

Sinasabi pa sa ulat ng South China Morning Post na nakulong si Coady dahil sa pagpatay sa biktimang si Gregoire Weil noong Disyembre 1997. Nabatid na unang nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Coady dahil sa kasong murder pero, sa buong panahon ng orihinal na paglilitis, pinanindigan niyang inosente siya. Pero, nitong unang bahagi ng taong ito, pinawalambisa ang sentensya.

Sa pagpapataw ng 10 taong pagkabilanggo, sinabi ni Justice Brian Keith na matagal nang itinatanggi ni Coady ang krimen hanggang sa aminin nito kamakailan na namatay sa mga kamay nito ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

COADY

DISYEMBRE

GREGOIRE WEIL

HAYAAN

HONG KONG

HUMAGULGOL

ISANG

JUSTICE BRIAN KEITH

LORDETH BONILLA

MARIA REMEDIOS COADY

SOUTH CHINA MORNING POST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with