Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Associations of Generals and Flag Officers President at ret. Brig. Gen. Jaime Echevarria na nagsabing, bagaman solido ang hanay ng AFP, hindi maiaalis na makakuha ng simpatya si Abat bunga ng panunungkulan nito bilang dating commanding general ng Philippine Army noong 1976-1981.
Pero pinabulaanan ni Echevarria ang ulat na kabilang ang kanilang grupo sa humihiling sa pagbibitiw ng Pangulo sa puwesto. Idiniin niya na tapat ang kanilang asosasyon sa Konstitusyon.
Sa isang panayam sa Malacañang, sinabihan ng Pangulo ang mga retiradong heneral na nananawagan sa kanyang pagbibitiw na manahimik dahil retirado na sila at makakabuting bigyang-daan ang mga aktibo pa sa militar. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)