Cardinal Sin ipinadi-deport
November 22, 2000 | 12:00am
Isang nagngangalang Dr. Ramon Roces Arevalo ang pormal na nagsampa kahapon sa Bureau of Immigration ng reklamo laban kay Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin kasabay ng paghiling na i-deport ito.
Pero sinabi ni BI Commissioner Rufus Rodriguez na sinuri na niya ang mga papeles ni Sin at napatunayan niyang isa itong tunay na Pilipino. "Para sa Bureau of Immigration, wala itong hurisdiksyon sa pagkatao ni Cardinal Sin. Hindi kami makakapagpa-deport ng isang Pilipino," dagdag niya.
Sinabi pa ni Rodriguez na awtomatiko nilang ididismis ang reklamo ni Arevalo laban sa mabunying Cardinal na kabilang sa mga nangunguna sa nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada sa tungkulin.
Sinasabi ni Arevalo sa kanyang reklamo na isang mamamayang Romano si Sin dahil sa pagiging Prince of the Roman Catholic Church nito. Pinagbasihan niya ang umano’y pagkandidato ni Sin sa pinakamataas na puwesto bilang Head of State ng isang dayuhang bansa.
Dahil sa pagiging kandidato sa naturang puwesto, ayon kay Arevalo, itinakwil na ni Sin ang pagiging Pilipino at ang lahat ng mga karapatan nito at pribilehiyo bilang mamamayang Pilipino. Sinabi pa ni Arevalo na isang dayuhan si Sin na ilang beses nang nakikialam sa pampulitikang usapin ng bansang tumatangkilik dito. Isa na anyang "aggression" ang naturang "hostile act" ng Cardinal.
Hiniling din ni Arevalo sa pamahalaan na ideklarang persona non grata at i-deport si Sin at pagbawalan na itong makabalik sa Pilipinas kahit kailan. (Ulat ni Rey Arquiza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest