"Susuportahan namin ang lahat ng mapayapa at legal na paraan, kabilang na ang resignation," sabi ni CBCP President Archbishop Orlando Quevedo sa mga reporter nang tanungin siya hinggil sa paninindigan ng simbahang Katoliko sa civil disobedience.
Sinabi pa ni Quevedo na susuportahan nila ang lahat ng uri ng protesta tulad ng welgang bayan basta’t payapa at legal ito. (Ulat ni Sandy Araneta)