Ito ang sinabi kahapon ni Parañaque Cong. Roilo Golez kasabay paliwanag nito na kung susundin ang isinasaad ng Sedition Law sa ilalim ng Article 139 ng Revised Penal Code, maliwanag umano na ang Malacañang ang lumalabag dito at hindi ang mga taong nagpapahayag lamang ng kanilang opinyon hinggil sa mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan.
Inihalimbawa ni Golez ang awit na "Bayan Ko" na nilikha noong l929 ni Constancio de Guzman at ipinagbawal ng pamahalaang Amerika dahil sa naghihikayat umano ito ng rebolusyon.
Sinabi ni Golez na ang mga opisyal ng Malacañang ang lumalabag sa Konstitusyon sa ginawang pag-amin na kanilang mino-monitor at inire-rekord ang mga nagaganap na ibat ibang rally sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)