^

Bansa

Malacañang dapat na kasuhan ng sedition - Golez

-
Ang mga opisyal ng Malacañang ang dapat na kasuhan ng sedisyon at hindi ang mga lider ng oposisyon at mga welgista.

Ito ang sinabi kahapon ni Parañaque Cong. Roilo Golez kasabay paliwanag nito na kung susundin ang isinasaad ng Sedition Law sa ilalim ng Article 139 ng Revised Penal Code, maliwanag umano na ang Malacañang ang lumalabag dito at hindi ang mga taong nagpapahayag lamang ng kanilang opinyon hinggil sa mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan.

Inihalimbawa ni Golez ang awit na "Bayan Ko" na nilikha noong l929 ni Constancio de Guzman at ipinagbawal ng pamahalaang Amerika dahil sa naghihikayat umano ito ng rebolusyon.

Sinabi ni Golez na ang mga opisyal ng Malacañang ang lumalabag sa Konstitusyon sa ginawang pag-amin na kanilang mino-monitor at inire-rekord ang mga nagaganap na iba’t ibang rally sa bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AMERIKA

BAYAN KO

CONSTANCIO

GOLEZ

MALACA

MALOU RONGALERIOS

REVISED PENAL CODE

ROILO GOLEZ

SEDITION LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with