Sagupaan ng sekta ng relihiyon dahil sa pulitika nakaamba
November 12, 2000 | 12:00am
VIGAN, Ilocos Sur --Pinangangambahang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Romano Katoliko, Iglesia ni Cristo (INC) at ng El Shaddai matapos na magpahayag ang mga ito ng kanilang sunud-sunod na prayer rally bilang pagsuporta at pagkontra kay Pangulong Joseph Estrada na inakusahang tumanggap ng P200 milyong jueteng payola mula sa jueteng money.
Ang Roman Catholic ay nagsagawa ng mga prayer rally sa buong bansa upang hilingin na patalsikin sa puwesto ang Pangulo dahil sa akusasyon ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson. Ang simbahang Katoliko na pinamumunuan ni Archbishop Jaime Cardinal Sin at iba pang mga pari sa bansa ay nagbantang hindi titigil sa isasagawang rally maliban lamang kung bababa sa puwesto ang Pangulo.
Gayunman, nagpahayag naman ang grupo ng INC at El Shaddai na kanilang susuportahan sa pamamagitan ng pagsasagawa rin ng rally ang pananatili ng Pangulo sa kanyang puwesto.
Dahil dito, naniniwala si Congressman Vicente Valera ng Abra na malamang na magbunga ng "war of religion" kapag hindi aniya nasawata ng pamahalaan ang ganitong pagbabangayan.
Samantala, inamin kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Genenal Panfilo Lacson na apektado ang pambansang pulisya sa lumalalang krisis sa pulitika sa bansa.
Sinabi ni Lacson na bukod sa ekonomiya ng bansa unti-unti nang nalulumpo ang bansa dahil sa kinakaharap na iskandalo ni Pangulong Estrada, naaapektuhan na rin umano ang operasyon ng PNP bilang pangunahing ahensya na nangangalaga sa seguridad ng bansa.
Isa sa mga dahilan aniya ay ang diumanoy panliligaw ng ilang dating opisyal ng PNP sa mga senior at junior police personnels upang makiisa sa plano ng oposisyon na patalsikin ang Pangulo sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng kudeta.
Gayunman, naniniwala si Lacson na hindi magagagawang hikayatin ng nasabing mga dating opisyal ang mga aktibong ng pulis na umanib sa oposisyon katulad ni dating PNP Chief Director General Roberto Lastimoso dahil sa kawalan na rin ng huli ng impluwensya matapos na mawala sa serbisyo. (Ulat nina Myds Supnad/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended