Ayon kay Secretary Antonio Cerilles, ng Dept. of Environment and Natural Resources, kabilang sa mga lugar na hindi maaaring manigarilyo ay sa mga kulob na lugar mula sa labas ng pangpribadong tirahan at pangpribadong lugar ng pagtatrabaho upang iseguro ang pangkalusugan ng publiko.
Sinabi ni Cerilles na sinumang mahuhuling lalabag sa naturang kautusan sa ilalim ng Clean Air Law ay may multa na P10,000 hanggang P100,000 at anim na taong pagkabilanggo.(Ulat ni Jose Rodel Clapano)