Chavit ililigpit bago mag-trial
November 9, 2000 | 12:00am
Nagpahayag ng pangamba kahapon si Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na posibleng patayin siya ng kanyang mga kalaban bago simulan ang trial ng Senado kaugnay ng impeachment laban kay Presidente Estrada.
Sinabi ito ni Singson sa isang panayam ng DZMM. Kinumpirma ni Singson ang nilalaman ng isang white paper na nagsasabing siya ay ililigpit. Pero itinuwid ni Singson na hindi ang Oposisyon ang magtutumba sa kanya kundi ang kampo mismo ni Presidente Estrada.
Sinasabi sa white paper na unang ipinakalat sa Cebu na ang mastermind ng pagpatay kay Singson ay sina dating Presidente Fidel Ramos at dating National Security Adviser Jose Almonte. Kung magtatagumpay ang plano, ipaparatang umano ang krimen kay Presidente Estrada.
Tinawanan din ni Singson ang napabalitang inirereklamo siya ng pamilya ng mga taong umanoy kanyang ipinapatay. Iyan ay isa na namang taktika aniya para siraan ang kanyang kredibilidad. (Ulat ni Mario Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest