^

Bansa

Impeachment sa plenary aprub

-
Nagsimula na kahapon ang pagdinig ng justice committee ng House of Representatives sa impeachment complaint na inaasahang magpapatalsik kay Pangulong Joseph Estrada sa puwesto.

Pagkatapos ng apat na oras na deliberasyon, nagkasundo ang komite na pinangunguluhan ni Pampanga Congressman Oscar Rodriguez na isalang na ang impeachment complaint sa plenary session ng kapulungan sa susunod na Lunes.

Agad na ipadadala ang articles of impeachment sa Senado kapag nakakuha ito sa House ng 73 boto.

Humaba ang deliberasyon sa komite kahapon dahil sa napakaraming diskusyon ng mga miyembro nito hinggil sa iba’t ibang katanungan sa impeachment complaint.

Halos 80 mambabatas ang dumalo sa pagdinig bagaman 47 sa kanila ay miyembro ng komite na binubuo ng 51 kasapi.

Unang pinagtalunan kung dapat isama sa endorsement resolution ang iba pang lagda na nakalap ng grupong minorya na umabot sa 99 sa pangunguna nina House Speaker Manuel Villar at Minority Leader Feliciano Belmonte.

Ikinakatwiran ni Maguindanao Congressman Digalen Dilangalen na hindi dapat idagdag ang 99 bagong lagda sa 39 na naunang mga lagdang nakuha nang unang isumite ang impeachment complaint kay House Secretary-General Roberto Nazareno.

Sinabi pa ni Dilangalen na maaari lamang ipadala sa Senado ang reklamo laban sa Pangulo kapag nakakuha ito ng 73 lagda ng mga miyembro ng House.

Tumigil lang sa pagtatanong si Dilangalen nang bigyan siya ng puting rosas ng isang miyembro ng Concerned Women of the Philippines, isa sa mga non-government organization na nagsisilbing complainant sa kaso.

Pero, pagkatapos ng botohan, nanalo ang mosyon ni Bohol Congressman Eladio Jala na idagdag ang 39 bagong lagda sa naunang mga lagda sa resolution of endorsement.

Samantala, habang ginagawa ang pagdinig, nagkaasaran at nagkantiyawan ang mga grupong sumusuporta at kumukontra kay Estrada nang sabay silang magdaos ng rally sa labas ng gusali ng House. Naawat lang ng pulisya ang muntik nang sagupaan ng dalawang grupo.

Sa harapan ng Ninoy Aquino Monument sa Ayala Avenue, Makati City, nagsagawa ng noise barrage ang mga grupong humihingi sa pagbibitiw ng Pangulo. (Ulat nina Marilou Rongalerios, Rudy Andal at Lordeth Bonilla)

AYALA AVENUE

BOHOL CONGRESSMAN ELADIO JALA

CONCERNED WOMEN OF THE PHILIPPINES

DILANGALEN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SECRETARY-GENERAL ROBERTO NAZARENO

HOUSE SPEAKER MANUEL VILLAR

LORDETH BONILLA

MAGUINDANAO CONGRESSMAN DIGALEN DILANGALEN

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with