Walang whitewash sa mansion probe - Lim
November 2, 2000 | 12:00am
Idiniin kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Alfredo Lim na itinataya niya ang kanyang malinis na reputasyon at 48 taong mahusay na paglilingkod sa gobyerno sa gagawin niyang imbestigasyon sa sinasabing maluluhong mansion ni Pangulong Joseph Estrada.
"Sisiguraduhin ko na walang whitewash dito at walang cover-up. Ang boss ko ay ang taumbayan. Kahit sino diyan, ang aking attitude, kapag lumabag sa batas, kailangang harapin nito ang bunga ng kanyang ginawa," sabi ni Lim.
Sinabi pa ni Lim na itinalaga niya ang National Bureau of Invesigation bilang punong ahensya sa pagsisiyasat sa naturang mga mansion.
Hiniling niya sa mamamayan na huwag muna siyang husgahan at hatulan lamang matapos ang pagsisiyasat. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended