Kongresistang lumagda sa impeachement laban kay Erap, 55 na !
November 1, 2000 | 12:00am
Lalong lumakas kahapon ang impeachment complaint laban kay Pangulong Joseph Estrada dahil umabot na sa 55 ang bilang ng mga mambabatas na lumalagda sa resolusyong kaugnay ng naturang kaso.
Sa harap ng mga mamamahayag pormal na lumagda si Partylist Rep. Eduardo Pilapil sa impeachment resolution. "Kung hindi aalis sa puwesto sa lalong madaling panahon ang Pangulo, lalong maghihirap ang mamamayan," sabi ni Pilapil na nanawagan din sa iba pang mga mambabatas na manindigan at suportahan ang impeachment complaint laban kay Estrada.
Sinabi ni House deputy majority leader Neptali Gonzales II (Mandaluyong) na maaaring mapabilis ang impeachment complaint kapag umabot sa 73 kongresista ang lumagda rito dahil magkakaroon ng pressure sa mga mambabatas.
Sa isa namang press briefing kahapon, isang miyembro ng justice committee ng House of Representatives na si Makati City Rep. Joker Arroyo ang nagmura sa aaktong presiding chairman ng komite na si Senior Assistant Majority Leader Neptali Gonzales ng Mandaluyong.
Sinabi ni Arroyo na mali ang komentaryo ni Gonzales na maaaring tamaan ng technicality ang impeachment dahil kulang umano ito sa forms.
Sinabi naman ni Gonzales sa isang hiwalay na panayam na masaya siya na nagsisimula nang basahin ni Arroyo ang mga rules sa huling panunungkulan nito sa Kongreso.
Iginiit ni Gonzales na hindi maaaring i-short-cut ang impeachment process. Kailangan pa ring desisyunan ng komite ang complaint kahit nakakuha ng 73 boto ang mga naghahangad na mapatalsik sa puwesto ang Pangulo.(Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest