Erap 'wag kang manakot - solons
November 1, 2000 | 12:00am
"Hindi kami natatakot!"
Ito ang ipinabatid kahapon ng mga mambabatas kay Pangulong Joseph Estrada bilang tugon sa umanoy pananakot nito sa mamamayan at sa mga kumakalaban dito.
"Hindi nga kami natakot kay Marcos, bakit kami matatakot ngayon," ang sabi ni Makati Congressman Joker Arroyo na kabilang sa mga personaheng lumaban sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ginawa ni Arroyo ang pahayag kaugnay ng paglabas sa telebisyon nina Armed Forces Chief of Staff Gen. Angelo Reyes at Philippine National Police Chief Director-General Panfilo Lacson matapos manawagan si Estrada ng pakikipagkasundo sa oposisyon kamakalawa ng gabi.
"Matapos niyang manawagan na magkaroon ng reconciliation, sinundan naman yon ng paglabas ng mga general niya. Pananakot yan," puna ni Arroyo.
Sinabi naman ni Bukidnon Congressman Juan Miguel Zubiri na "maling senyales" ang inihatid ng Pangulo sa talumpati nito dahil, sa halip na sumunod ang mga tao, mas marami ang natakot.
"Yung mga tao sa probinsiya lalo na sa Visayas at Mindanao na hindi naman naintindihan ang Ingles na talumpati ng Pangulo ay mas natakot dahil matapos magsalita ang Pangulo ay sinundan naman yon ng mga heneral niya," dagdag ni Zubiri.
Ipinaliwanag naman ni National Security Adviser Alexander Aguirre sa isang panayam na lumabas sa telebisyon sina Reyes at Lacson para tiyakin sa publiko ang katapatan ng militar at pulisya sa Konstitusyon at mabura ang pag-aalinlangan.
Sinabi ni Aguirre na walang dapat ipangamba sa ginawa ng dalawang heneral at hindi ito nangangahulugan na may banta sa seguridad ng bansa.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Malacañang sa pagtanggi ni Vice President Gloria Macapagal-Arroyo na mamuno sa Economic Coordinating Council na iniaalok sa kanya ng Pangulo.
Sinabi ni Press Secretary Ricardo Puno na kukumbinsihin pa rin ng Malacañang sina Arroyo, dating Pangulong Fidel Ramos at Corazon Aquino na dumalo sa pulong ng National Security Council sa Nobyembre 6 bagaman may pahayag ang mga ito na iisnabin ang pulong.
Sinabi ni Arroyo sa isang panayam sa telebisyon kamakalawa ng gabi na wala na siyang magagawa pa para matulungan ang administrasyon ni Estrada para maisulong ang ekonomiya dahil nawalan na ng kumpiyansa ang mga negosyante at taumbayan sa liderato ng Pangulo.
Sinabi muli ni Arroyo na lalong lulubha ang ekonomiya at kawawa ang taumbayan kung hindi magbibitiw ang Pangulo sa puwesto. (Ulat nina Marilou Rongalerios, Ely Saludar at Lilia A. Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest