GMA hinamon na tanggapin ang alok ni Erap
November 1, 2000 | 12:00am
Hinamon ngayon ng ilang kongresista si Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na patunayan ang kanyang higit na pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtanggap sa alok na rekonsilasyon sa kanya at sa oposisyon ng Pangulong Estrada.
"Ito ang angkop na panahon upang ipamalas ni Gng. Arroyo ang kanyang katapatan sa saligang batas at sa mga mamamayan. Hindi lamang ito makatao kundi ito ay isang pinakamataas na simbolo ng patriyotismo," ani Rep. Ricardo Quintos (Occidental Mindoro).
Nanawagan naman si Rep. Danilo Suarez (Quezon) kay Arroyo na lumahok sa paghahanap ng lunas ng pamahalaan upang maibsan ng bayan ang dinaranas nitong krisis sa ekonomiya.
Sinabi naman ni Rep. Anthony Dequiña (North Cotabato) na hindi dapat makialam si Arroyo sa mga proseso na itinatadhana ng saligang batas na naglalayong magpatunay o magpawalang sala sa mga paratang laban sa Pangulo.(Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest