Biyahe ng eroplano kinansela
October 29, 2000 | 12:00am
Apat na dayuhang kumpanya ng eroplano at isang international cargo carrier ang nagkansela ng walo nilang biyahe papasok at palabas ng bansa dahil sa bagyong "Reming" na nagtulak sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na itaas ang signal no. 2 ng bagyo sa Metro Manila at signal no. 3 sa Quezon at Bicol.
Inilihis sa Taipei ang bihaye sana ng Japan Airlines sa Maynila. Kinansela rin ang biyahe ng Air Vietnam at Continental papasok at palabas ng bansa.
Kabilang pa sa kinansela ang dalawang biyahe ng Fed-Ex papasok at palabas ng Maynila at ang biyahe ng Philippine Airlines sa Legaspi at Naga at ng Air Philippines sa Tacloban. Inihinto rin ang biyahe ng Asian Spirit sa Mindoro, Legaspi, Samar at Aklan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended