Ransom na nakuha ng Sayyaf nagmula sa Germany ?
October 29, 2000 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY -- Nagmula umano sa Germany at hindi sa Libya ang perang ibinayad sa Abu Sayyaf bilang ransom sa pagpapalaya sa ilan nitong bihag na dayuhan na nagmula sa Sipadan, Malaysia.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Assistant Regional Prosecutor Ricardo Cabaron na nagsabing, batay sa nakalap nilang intelligence report, galing sa Germany ang $2,400 na bahagi ng naturang ransom at nakumpiska sa dalawang lalaking nagtangkang ipalit ang pera sa salapi ng Pilipinas sa Land Bank sa lungsod na ito noong Agosto 24.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Jeffrey Jinnut, isang guwardiyang nakabase sa Davao City at pinsan umano ni Abu Sayyaf leader Mujib Susukan; at Adjik Halik, isang Army integree.
Sinabi rin ni Cabaron na natuklasan ng mga ahente mula sa United States Secret Service at ng Central Bank na peke ang dalawa sa 2,400 piraso ng nakumpiskang mga $100 bills.
Sinabi ni Cabaron na lumilitaw din sa pagsisiyasat na hindi totoong nagmula sa Libyan foundation ang ransom.
Samantala, pinabulaanan kahapon ng militar na inihinto na ng tropa nito ang pagsagip sa dalawang natitirang bihag ng Abu Sayyaf.
Ayon kay Maj. Gen. Narciso Abaya, hepe ng Task Force Trident at ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, magpapatuloy ang kanilang operasyon para mabawi ang mga bihag na Pilipinong si Rolland Ullah at Amerikanong si Jeffrey Edwards Craig Schilling.
Idiniin ni Abaya na hindi beripikado ang ulat na simpatisador ng Abu Sayyaf sina Schilling at Ullah. Bahagi pa rin anya sila ng misyon ng militar dahil itinuturing pa rin silang mga bihag. (Ulat nina Roel Pareño at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest